Shuttered 003: Field Shots
March 27, 2008 by A Z R A E L

“Total Station Leica TS 403″

“Old Tree”

“Wild Shrubs”

“Putol”

“Total Station Leica TS 403″

“Old Tree”

“Wild Shrubs”

“Putol”
If you find my mixes cool, please support me by putting a banner on your blog’s sidebar. It will be much appreciated.
here’s the banner code:
<p align=center><a href=http://azrael666.wordpress.com/the-dj/><img src=http://img110.imageshack.us/img110/4400/azrael02e2sg9.jpg border=0 alt= AZRAEL width=180></a></p>
Madami pa akong nami-miss.. Pero ikaw ang pinaka-miss ko sa lahat..




“Pare type kita. Ang lakas ng dating mo. Gusto mo BJ?”
.
.
.
.
tuldok. isang malaking tuldok. yun lang. bow.
Hindi ko ugali na bigyan ng pahalaga ang mga blog stats na yan. Kung ang habol ko eh site traffic at katakot-takot na hits eh di sana ginawa ko ng ‘azrael666.com’ or ‘azraelgwapo.com’ itong blog ko para makapaglagay na din ako ng kung anu-anong banner at ads na wala namang saysay sa sidebar, at sana eh lahat ng bagay na lang eh ginawan ko ng entry. Wala rin ako balak pagkakitaan ang blog na ito dahil hindi ako magsasayang ng oras kagagawa ng ‘money-earning entries’ also known as ‘walang kwentang post na wala naman nagbabasa, I therefore conclude that it’s crap’, para kumita lang ng 20 dollars a month? 30? 50? 100? 200? Puhleeeeese! Ano ako poor???? Hindi ako mayaman pero hindi rin naman ako naghihirap. Kung guaranteed 1000 USD makukuha ko buwan-buwan, sige gagawin ko yan. Pero hindi pa rin ako maglalagay ng sandamukal na ads sa blog ko no. Ayokong magmukhang talipapa ang aking munting espasyo sa internet. Kaya kong intindihin kung sideline lang ang ‘blogging for money’, pero kung kinakarir na yan, pinaghahalo-halo na ang post na personal at business, at nagiging main, or should I say “ONLY” source of income ang blog, aba, kailangan mong itatak sa kukote mo ang sasabihin ko.. Instead of driving traffic to your ‘talipapa’ blogs for the sake of money, get a real job instead losers.
Kuntento na ako kagagawa ng entries tungkol sa buhay abroad, tungkol kay Aila, Music, Photography, Fatherhood, Married Life, at tungkol sa kaliwa’t kanang reklamo ko sa mundo. Ok na ako dun. Doon ako masaya. Yan ako eh, may magagawa ba kayo? At kahit may magawa pa kayo, sasakit lang ang ulo nyo sa akin dahil ibitin nyo man ako ng patiwarik, at tortyurin sa silyang may kuryente, hinding hindi nyo makukuha ang gusto nyo sa akin. If I gave it to you, it’s not because you persuaded me, It’s because I wanted to.. Remember that.
I remember someone telling me this before:
“Kailangan ibahin mo ang style mo ng blogging. You have to adjust. If you want your readers to continue reading your posts, give them something new. Something that won’t bore them, and drive them away. Dahil sa totoo lang, medyo nakakasawa na entries mo. Yun at yun na lang eh. Mixes, Aila, etc. Bigyan mo sila ng iba naman. Trust me on this one friend, I know how to play with the readers. I know what they want and If I need to make up stories so that they can’t get enough of me, and will come back for more, I will. That’s how you should blog. That’s how u drive traffic to your blog. Kita mo ngayon, nawala ka ng medyo matagal, hindi na sila bumalik. You can’t blame them. Hindi ka kasi nag-uupdate lagi. Tapos nung bumalik ka same style of entries pa rin. Hindi ka na makakabalik sa top blogs nyan”
Para sa ilang tae tao dyan na tuwang tuwa noong nawala ako sa blogosphere ng halos dalawang buwan, at nagsasabing hindi na ako makakabalik sa itaas.. At para sayo ‘friend’, na nagbigay sa akin ng input at unsolicited advice, na walang namang kakwenta kwenta..
Eto ang sa inyo… Isaksak nyo sa baga nyo.






Kung talagang ayaw pa rin, kalabitin nyo na lang ako sa YM at hindi ako mag-aatubiling palakihin ang mga butas ng ilong nyo at ipasinghot ang halimuyak ng aking tagumpay.
pahabol: Para sayo ‘friend’ - Sa susunod, bago mo ako bigyan ng tips at pointers tungkol sa blogging, kung paano wag iwanan ng readers, at kung paano makarating sa itaas, i-set mo muna ang filter mo sa ‘tagalog’ at maki-join ka sa aming kasayahan. Pupusta ako, kahit top 10 di ka aabot.
It’s a jungle out there I’m telling you.. And right now, guess who’s KING….
*pasipol-sipol sa isang tabi habang nagsisindi ng yosi…
I’m done ranting for the day.. Got to end this blog entry with my Lenten message to NON-BELIEVERS of the AZRAEL faith..
May ilan linggo mo na rin ako pinahirapan. Pag-gising sa umaga, ikaw ang laman ng utak ko. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kai-isip sayo. Hindi makakain ng matino at minsan walang gana kapag pumapasok ang iyong imahe sa aking isipan. Nahihirapan akong matulog at inaabot ng madaling araw kapag naiisip kita, at minsan pati sa panaginip kayakap ka.
Bakit kailangan na mangyari ito? Bakit kailangan malito na naman ako at mawala sa hulog? Bakit kailangan na magdusa akong muli?
Mula ng nasilayan kita, nagbago na naman ang paningin ko sa buhay. Iba ang naging dating mo sa akin. Sa kutis mong puti, talbog ang karamihan. Sa kumikinang at mala-porselana mong balat, walang panama ang iba. Alam mo bang bagay na bagay ka sa kulay kong itim? Para tayong gatas at kape. Pagtitinginan tayo sa publiko, at sigurado akong hahanga at bibilib ang lahat sa akin kapag nakitang isang tisay na tulad mo ang nakadikit sa akin na parang linta.
Alam kong mali na pagnasaan ka. Tao lang ako. Natutukso. Nababaliw. Nauulol. Teka pang-aso pala yun.
Tatapusin ko na ang kabaliwan na ito. Ayoko ng maghirap at magtiis. Wala kang karapatan na paglawayin ako araw-araw. Alam kong hindi kita basta basta makukuha. Mahirap. Matrabaho. Madugo. At makuha man kita, siguradong katakot takot na sampal at araw araw na pag-aaway ang mangyayari sa amin ni misis azrael. Pero wala akong magagawa. Wala syang magagawa. Kailangan kita. Ipaglalaban kita. Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang.
Kung kinakailangan gamitan ka ng dahas, gagawin ko. Hindi ako makakapayag na mauwi sa bangungot ang aking magandang layunin para sa ating dalawa. Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa aking balak, kahit na ang asawa ko. Humarang pa sya kasama ang buong pamilya nya, isama na rin ang pamilya ko, dedemahin ko lang sila at walang lingon lingon na tatahakin ang daan pupunta sa harapan mo. Ganyan kita kamahal. Ganyan kita ka-kailangan.
Mahal kita pero, may galit din ako sayo. Ikaw ang naging dahilan ng aking depresyon. Nakalimutan ko ang ibang bagay na importante sa pag-aakalang ikaw ang pinakaimportnate sa lahat. At dahil dyan, pahihirapan kita. Araw araw kitang gagamitin hangga’t hindi ako nauubusan ng lakas. At kapag wala na akong lakas at handa ng matulog, wag mong isipin na makakahinga ka at mabibigyan ng panandaliang kalayaan. Ikukulong kita sa isang lalagyan na akmang akma sa iyong pangangatawan, at ikakandado para sigurado akong kahit na alikabok ay hindi madadantayan ang iyong kutis.
Malapit na. Bilang na ang araw. Nakikita ko na ang liwanag na sumisikat sa di kalayuan. Ang liwanag ng aking ngiti na dulot ng ating unang pagtatagpo. Ng unang pagyakap. Ng unang halik. Ng unang pagniniig. Sisiguraduhin ko sayong sa araw na yan, hindi ka na mawawalay sa aking piling.
Konting tiis na na lang. Malapit na. Sa ayaw mo at sa gusto….
I don’t want to mention names, nor pingback blogs that contain related articles about the hottest and most shocking revelation that I have read in a long time, The “GUCCI GANG CONTROVERSY”. However, I would like you to take a look at “the blog” responsible for spilling the beans. Everyone’s talking about it; I myself have spent countless hours reading it. And I must say, I got hooked!
And why shouldn’t I be? Why shouldn’t we be? Yan naman ang gusto nating mga Pinoys di ba? Scandal dito, scandal doon. We find amusement in reading negative things about famous and well-known people doing this and that, getting involved in controversies, and being dragged in the glare of publicity. Talo pa natin ang sumusubaybay sa telenovela. May kanya kanya tayong opinyon kung sino ang tama at sino ang mali. Bida sa atin ang isa, pero sa iba, sya naman ang kalaban. Hindi pa lumalabas ang lahat ng facts, may kanya-kanya na tayong conclusions at endings.
Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin noon, ng isang kaibigang nag-ngangalang CC (an acronym of her name).. “This is a dirty industry.. Stay away from my brother and his friends. You will end up in jail, or dead..” Good thing I followed her advice, and never let myself get too comfy with the people she mentioned. Siguro kung hindi, baka nakasali ang name ko sa listahan. Not that I’m rich or influential coz bwakanasyett, I’m not, but because I’m pretty close to CC who happens to be a sister of one of the “Gucci Gang” members.
Aside from being friends with CC, I also had working relations with 4 members of the Gang, hindi ko sasabihin kung sino (sa YM sasabihin lol). Ok naman sila. Approachable bunch of people, good at conversations, at higit sa lahat, mahilig mamigay ng libreng alak at pulutan nyahahahaha! Regular guests ko ang iba sa kanila sa aking mga gigs noon. Lagi silang nagpupunta sa mga venues na tinutugtugan ko. Minsan naman, I get invited to their events, and yes, I do show up. Sayang kaya. Basta libre GO ako! They really lived to party, I’m telling you. Kung ano man ang definition nyo ng salitang ‘party’, sigurado akong iba sa akin. Bahala na kayong mag-isip.
Matagal ko ng nababalitaan yang “Gucci Gang Controversy” na yan. Hindi ko lang pinansin dahil ang dalawa sa main characters eh hindi ko naman kilala. But when I read the list of the members, and saw names of buddies and people that are familiar to me, I can’t help but react and say what’s on my mind. Yung iba ngang bloggers dyan, ni kapitbahay ng isang Gucci Gang member hindi kilala eh, pero bumabangka sa blog entry, ako pa kayang ka-tropa nila?? (ay! kaibigan ng kapatid ng isa pala nyahahaha!)
And what exactly are my thoughts again?? NONE, as a matter of fact. Although I’m inclined to favor one side, I wouldn’t drag myself that deep into another brouhaha that does not concern me. Hangga’t hindi lumalabas ang LAHAT ng katotohanan, wala akong pakialam, period.
I have two reasons why I made this post:
This post is not meant to malign, slander or make fun of anyone. I just want everyone to know that, at one point in my life, I was actually associated with some members of the “Gucci Gang”. I almost became a cokehead myself, not that I’m saying they all are.
Unbelievable? BELIEVE IT!, coz I have a photo to prove it! Hanapin nyo na lang kung sino ako dyan..
—————————————————————————————–
disclaimer: Some of the things you read from my entry are true, some, just figments of my imagination. It’s for you to decipher the truth from the fiction. Pagpasensyahan nyo ang kalikutan ng aking isip. Sabog lang ako sa PEPSI.